you’ll never know who you’re gonna be stuck with—crap

hindi ko naman talaga alam ang isusulat ko, i just haven’t written anything in a very long time. ang masama eh parang nag-information overload yung utak ko. ang dami kong gustong isulat pero pag nakaharap na ko sa computer hindi ko alam kung pano magsisimula. ang dami nang nangyari mula nung last na nagsulat ako, which i think was before xmas pa yata. ang bilis ng panahon. parang kelan lang na patambay-tambay pa ko at pagala-gala sa session road. kung may hindi nagbabago siguro sa akin eh yung pagiging adrenaline junkie ko. hanggang ngayon pansin ko napaka-prone ko parin sa risky na bagay. gagawan ko ng paraan at hahanapan ng lusot ang mga bagay na gusto kong subukan kahit alam ko na pwedeng-pwede akong mapahamak.

valentine’s day kahapon. happy anti-valentine’s day! wala naman akong masyadong ginawa. nag-attend lang ako ng kasal ng mga boss ko na second marriage na nila pareho. sabi nung officiating pastor sa sermon nya, “you’ll never know who you’re gonna be stuck with. you may find it as a blessing, or spend a vast amount of your fortune to counseling.” tama naman. somehow. pero tulad ng sinasabi ko parati sa sarili ko, merong tinatawag na “choice”. alam ko yan. andyan ako sa sitwasyon na yan eh. ang problema, minsan hinahayaan na lang natin ang fate to take its course. bakit ba may mga sinasabi tayo na hindi natin napapanindigan? tapos sisisihin natin ang sitwasyon o kaya naman ang ibang tao. gagawin natin ang isang bagay tapos pagsisisihan sa huli. marami akong sinabi nun sa sarili ko na nilunok ko. hanggang sa napagod na rin akong mag-justify kung bakit. pakiramdam ko nakakahiya. pero kung di ko naman aaminin sa sarili ko eh di parang niloloko ko rin ang sarili kong konsensya.

siguro nga hanggang dito lang muna. hindi pa ko handang magsalita.

Advertisement

One Response to “you’ll never know who you’re gonna be stuck with—crap”

  1. oi musta na? haven’t heard from you for ages. wala na din tayong commu. kakabalik ko lang din sa blogosphere eh kaya di ko mabisita tong blog mo. it was my longest hiatus. hehe. i hope you’re ok. pls get in touch!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.