Archive for May, 2008

tibok

Posted in Uncategorized on May 28, 2008 by y

Kanina pa ko nababato sa klaseng ‘to. Hindi na rin ako natutuwang pagmasdan ang mukhang kamoteng prof namin na nagsisilbing sleeping pill ng mga estudyante. Higit sa lahat, kalahati na ata ng klase ang tulog. Nagkakasya na lang ako sa pagtingin sa mga mukha ng mga kaklase kong malamang eh kung saan-saan na naglilipana ang utak.

Hindi ko naman sinasadyang mapalingon sa pwesto nya, pero ilang beses ko na rin syang napapansin. Ngayong sem na ‘to ko lang sya nakita at naging kaklase. Actually maganda sya. Marami din akong kaklaseng babae at may mangilan-ngilan ding masasabi kong pwede na. pero sya ang sa wari ko’y nakakatawag ng pansin. hindi lang din naman kasi ako ang napapalingon sa gawi nya, nahuhuli ko din ang iba ko pang kaklaseng nagnanakaw ng sulyap. Yung iba mukhang dismayado, siguro sa pananamit dahil mukha syang adik kung tutuusin. Wala kasing dress code ang unibersidad namin kaya okay lang siguro sa kanyang magsuot ng butas-butas na pantalon at parang sinabugan ng pinturang t-shirt. pero maganda parin talaga sya sa paningin ko.

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, nakikita ko syang pumapasok sa klase na parang galit sa mundo. Uupo sa pinakasulok, titingin sa labas ng bintana na parang nagmumuni-muni, at madalas ay tulog sa klase. Wala rin akong nakikitang lumalapit sa kanya para makipag-usap, naisip ko lang na siguro may pagka-anti-social ang taong ‘to o di kaya nama’y aloof. Alam kong may kakaiba sa kanya, hindi ko lang masabi. Pero kung ano man yun, handa akong alamin. Hindi dahil sa nagagandahan ako sa kanya, pero dahil gusto kong malaman ang kasagutan sa tanong na yun.

“Maghanap kayo nga mga kagrupo nyo. 3 in a group. Walang magkokopyahan ng gawa, malinaw? Ipasa nyo ang mga project na yan bukas,” litanya ng prof naming kanina pa daldal ng daldal sa mga estudyanteng hindi naman ata nakikinig.

Alam kong hindi ako mawawalan ng kagrupo dahil marami naman akong kaibigan dito. pero naisip kong eto na yung pagkakataon ko para lapitan at kausapin sya. Wala din naman sigurong mawawala kung susubukan ko. Tutal alam ko namang magagawa ko ang project na ‘to kahit dalawa lang kami kung sakali.

“Ah miss, may kagrupo ka na ba?”

“Nakikita mo bang may kasama na ko?”

Naknang! Mali atang tao ang kinausap ko. Unang sabak pa lang ganito na. Mukhang wala akong future dito. tsk tsk!

“Tayo na lang magka-group. Tutal eh mukhang wala ka namang kasama at hindi naman individual project ‘to.”

“Kelangan ko bang may kasama para matapos yang letseng project na yan?”

Siguro kung di ko lang iniisip na babae sya, kanina ko pa siguro nasapak. Hindi naman ako palaaway pero ayoko sa lahat ang pambabara na wala naman sa lugar. Nagmamagandang loob na nga ako, ako pa ang masama.

“Sige miss, galingan mo ha. baka sakaling yang project mo ang magiging pinakamaganda. Wag kang mag-alala, alam ko namang kaya mo yan eh. naintindihan mo naman yung mga sinabi ni sir, di ba? Godd luck na lang.” Ngayon alam ko na kung bakit walang kaibigan o kakilala man lang siguro ang babaeng ‘to. Hindi naman pala sya nakakatuwa.

“naknang! tumingin ka naman sa…”

“huwaaarrrrk”

Huli na para umiwas. Biglang-bigla ako sa pagkakatumba ng taong bumangga sa ‘kin habang asar kong tiningnan ang tshirt kong nangangamoy tsiko sa isinuka nya. Wala akong nagawa kundi tulungan syang itayo. Alam ko nang lasing dahil sa amoy. Pero nagulat ako nung makita ko ang mukha ng taong ‘to na wala iba kundi sya. At base sa itsura nya, alam kong hindi na nya kakayaning maglakad. Tulog na. Alas-9 na ng gabi, hindi ko alam kung saan nakatira ang babaeng ‘to at wala din naman akong mahanap na ID. isa pa, hindi ko sya pwedeng iwan dito dahil madilim at maraming magnanakaw sa eskinitang ‘to. Minabuti kong isama na lang muna sya sa apartment ko at hintayin ko na lang magising. Baka mapahamak pa kung hahayaan ko lang.

“Hoy! Pano ako nakarating dito? At bakit ka nandito? Sinabi ko na sayong hindi ko kelangan ng ka-group sa project!”

“San ka ba uminom at mukhang napadami ah? Hindi mo maalala na sinukahan mo pa ko? Next time kung may balak kang uminom, magyaya ka naman! Iinom-inom di naman pala kaya.”

“Sinukahan kita?”

“Oo, nilabhan ko na yung damit ko. Ang baho ng suka mo eh. Magpalit ka na, mangangamoy ka sa damit mo. Hindi na kita binihisan dahil baka mag-inarte ka pa at sabihin mong nagte-take advantage ako. Malinis naman yang pantalon mo kaya yang t-shirt mo na lang ang palitan mo. Gamitin mo na lang itong isang shirt ko. Wag kang mag-alala, hindi ko pa nagagamit yan. Nagugutom ka na ba?”

“Salamat. Uuwi na ko. Ibabalik ko na lang ‘to bukas.”

“Teka, gutom na ko. Pwedeng kumain muna tayo? Alam kong gutom ka din. Libre ko. Wag ka mag-alala, hindi kita sisingilin. Eto, magsuot ka ng jacket, foggy na sa labas.”

Naglakad na lang kami papunta sa pinakamalapit na kainan. Pareho kaming walang kibo, siguro nahihiya sya samantalang ako nakikiramdam. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ba’t ko ginagawa ‘to. Hindi pa rin talaga nawawala ang curiousity ko sa kanya.

“Matagal na kitang napapansin sa klase pero hindi ko pa talaga alam ang first name mo.”

“Gaea”

“Kirby,” sagot ko habang iniabot ang kamay ko sa kanya para makipag-shakehands.

“Sorry pala kahapon. Badtrip lang ako. Nasigawan pa kita. Wala naman talaga akong balak gumawa ng project eh,” mahinang sagot nya sabay abot ng kamay ko.

“sus, ok lang yun! wala na yun sa ‘kin. ba’t ayaw mong gawin yung project? sayang naman. malaking points din yun. alam mo naman si sir, mababang magbigay ng grade. kung gusto mo, magka-grupo na lang ulit tayo.”

“naku wag na, nakakahiya. isa pa, malamang eh babagsak lang din ako sa subject na ‘to this sem.”

“bakit naman? wag ka kasing patulog-tulog sa klase. bakit ka nga pala lasing kagabi? tsaka mukha kang lasing parati pag pumapasok sa school.”

“aah, yun…hmm…wala lang yun. nakatuwaan lang.”

“nakatuwaan? eh halos hindi ka na nga makalakad sa kalasingan, katuwaan yun? tsk tsk! may problema ka ‘no?”

“wala”

“weh? eh yung grades mo? sayang din talaga. kaya gawin na lang natin yung project. ikaw din, sayang yung pinambayad mo sa tuition kung babagsak ka lang.”

“sige. salamat ulit.”

“teka, eh bukas na ipa-pass eh. alas-dose pasado na. ganito na lang, ako na lang gumawa tapos ilagay ko na lang name mo. pero bibigyan kita ng copy bukas para kung sakaling may report at tanungin ka ni sir, alam mo isasagot. ok ba yun?”

“ah sige, bahala ka. uuwi na ko.”

“ihahatid na kita.”

“wag na. dami ko na utang sa’yo. dyan lang naman sa ‘min eh.”

“ihahatid na kita. gabing-gabi na. baka kung ano pa mangyari sa’yo. san ba sa inyo?”

“hindi na sabi eh. wag na. sige na. aalis na ko.” Tumakbo na sya palayo pagkasabi non.

Wala na kong nagawa kundi maglakad na lang ulit pauwi. Di bale bukas, sigurado akong magkakausap ulit kami. Ok na rin yun kahit pano, nalaman ko na hindi naman pala sya ganun kataray.

“Gaea! na-pass ko na yung project,” excited kong balita sa kanya sabay upo sa katabi nyang upuan.

“uhum,” tipid nyang sagot habang nakatalikod sa kin at nakatingin na naman sa labas ng bintana.

“oy, ok ka lang?”

“oo”

“nakainom ka ba?” nagtataka kung tanong nung may naamoy akong amoy alak.

Gulat na lang ako nung makita ko syang tumayo at tumakbo palabas ng classroom. Wala pa si sir kaya sinundan ko siya palabas.

“Gaea, teka lang. Ano ba nangyayari?” sigaw ko habang humahabol sa kanya.

Hindi niya ko sinagot, dire-diretso sya sa likod ng building. Nagpasya akong sundan na lang sya, baka sakaling mayaya ko syang bumalik sa klase. Naabutan ko syang umiiyak sa isang puno sa may likuran ng bilding ng college namin.

“Gaea, anong problema? ba’t ka ba nagkakaganyan? ba’t ka na naman lasing?” nag-aalalang sabi ko habang papalapit sa kanya.

“Dyan ka lang, wag mo kong lalapitan. ang dumi-dumi ko. marurumihan ka lang.”

“Ano bang pinagsasasabi mo? hindi naman marumi ang suot mo ah. wala ka namang dumi sa mukha. anong problema?”

Sa pagitan ng pag-iyak, isinalaysay nya sa ‘kin ang matagal na pala nyang dinaramdam.

“bata pa lang ako nung mamatay sa aksidente si tatay. lima kaming magkakapatid, ako ang panganay. walang trabaho si nanay. nag-asawa sya ulit. yung stepfather ko driver ng taxi. sya ang nagpapaaral sa ‘kin at sa mga kapatid ko. hindi ko naman alam na ako ang kapalit ng mga pabor na ginagawa nya. Kirby, apat na taon na nya kong pinagsasamantalahan. nung una nagsumbong ako kay nanay. pero nagalit sya sa ‘kin, pinagtulungan lang nila akong dalawa. wala daw akong utang na loob, pinagbibintangan ko pa daw ang walanghiyang yun na syang nagpapalamon sa amin. sinubukan ko ring maglayas pero nahanap din nila ako. binugbog, pinagsasampal, at ikinulong sa bahay ng ilang araw. pinagbantaan ako ng gagong yun na kung uulitin ko pa uling tumakas at magsumbong, gagawin nya rin sa ibang kapatid ko ang mga ginagawa nya sa kin. ayokong sapitin ng mga kapatid ko ang impyernong dinadala ko. wala ring magawa ang inay na sunud-sunuran sa kanya. Kirby walang-wala na kong kwenta, and dumi-dumi ko nang tao. ayoko na ng ganito. masakit na masakit na.”

Hindi ko namalayang niyakap ko na sya. Hinayaan ko lang na ilabas nya lahat ng sama ng loob nya. Hindi ko alam kung ano yung eksaktong pakiramdam, pero alam ko kung gano kalalim yung sakit at galit na nararanasan nya. Gusto ko siyang tulungan, gusto kong ituwid yung mga nangyayari sa kanya. Gusto kong mabigyan ng katarungan ang mga pagsasamantala sa kanya. Ngunit sa puntong ito, alam kong pag-unawa at pagtanggap lang muna ang kaya kong ibigay. Sa maikling panahon na nakilala ko sya, naging magaan ang pakiramdam ko sa kanya. Nagagalit sa taong nanggago sa knya at nasasaktan akong nakikita syang nagkakaganito. kahit pa hindi ko sya kamag-anak o kahit pa kahapon lang talaga kami nagkausap, hindi ko maiwasang makaramdam ng awa at pagmamalasakit sa kanya.

“Gaea, hindi ko alam kung ano talaga ang sasabihin ko pero gusto kong malaman mo na andito lang ako. kaibigan kita at ayokong makitang masisira ang buhay mo dahil sa mga nangyayari. yung pag-inom mo, yung pagpapabaya mo sa klase, tigilan mo na. wag mo nang dagdagan pa ang mga problema mo. Hindi pa ko makaisip ng mabuting paraan para matigil na ang panggagago sa’yo ng amain mo, pero wag kang mag-alala tutulungan kita.”

“Salamat. Pasensya ka na ha. Hindi ko na kasi kayang dalhin”

“Natutuwa ako na nagsabi ka, sana noon ko pa nalaman na ganyan ang nangyayari sa’yo. mas naintindihan sana kita. Ganito na lang, iwasan mo na lang sya. Magdahilan kang busy dito sa school, maraming project, maraming activities, nang sa ganun eh hindi ka nya masyadong nakikita. Magsabi rin tayo sa DSWD o kaya sa mga pulis. sigurado ako tutulungan nila tayo.”

“Hindi ganun kadali yun Kirby. marami syang kakilala sa mga pulis. kung magsusumbong ako, baka totohanin nya yung banta sa mga kapatid ko. isa pa, wala rin namang maniniwala sa ‘kin dahil wala namang nakakakita sa mga ginagawa nya. Gusto ko munang gumawa ng paraan para mailayo ang mga kapatid ko. Maghahanap ako ng trabaho. Pag medyo nakaipon na, lalayo kami. Saka ko sya isusumbong sa awtoridad. Ayoko ng eskandalo Kirby, masyadong nang magulo ang buhay ko para dagdagan ko pa.”

“O sige, basta yung mga sinabi ko ha. gawin mo lahat para makaiwas. pumasok ka na rin sa klase at mag-aral ng maayos. pag maka-graduate tayo mas madali ka nang makakabangon. wag kang mag-alala, lilipas din ang lahat. nandito lang ako, tutulungan kita.”

Mag-iisang taon na rin ng napag-usapan namin yun. Sa loob ng mga panahong yun, naging close kami bilang magkaibigan. Maraming nagbago. Hindi na sya ganun ka-aloof, napapatawa ko na sya, hindi na rin sya pumapasok sa klase nang nakainom(hindi ko lang sigurado kung di na sya talaga umiinom o magaling lang syang magtago), at matataas ang kanyang grades. Hindi naman ako nagtataka dun dahil kahit pabaya sya sa klase nun, alam kong matalino sya. nagkaroon sya ng part-time job sa isang fast-food chain at kapag bakante kami sa klase, tumatambay sya sa apartment ko.

“berks, bakit di ka pa sumunod sa mga parents mo sa states? di ka ba nalulungkot na mag-isa dito?” bigla nyang tanong habang nagluluto kami ng pang-lunch ng araw na yun sa apartment ko. nagkataon na wala kaming pasok sa hapon at wala rin syang trabaho kaya nagkayayaan naming tumambay na lang.

“ano namang gagawin ko dun? gumawa ng snowman? wala akong american dream. ok na ko dito sa pinas, kahit magulo, mahal ang mga bilihin, hudas ang mga pulitiko, at kinukulit mo ang buhay ko, masaya na ko.”

“o eh bakit ka nag-nursing? wala ka naman palang balak mag-abroad leche ka. sayang lang yang napapag-aralan mo kung dito ka lang magtatrabaho. bukod sa halos walang kinikita ang mga nurses dito eh wala pang usad ang career.”

“malay mo, itutuloy ko pala ‘to sa medicine. eh di pag naging doktor ako, big time! makakatulong pa ko sa mga kababayan natin.”

“ano ka! yung mga doktor nga nagne-nursing eh para lang makapag-abroad! tapos ikaw magpapakaburo lang. tsk tsk! minsan iuntog mo yang ulo mo jan sa pader. ano na lang ipapakain mo sa pamilya mo? pero sabagay, mayaman ka naman. nasa states nga naman ang pamilya mo. tumatanggap ka lang ng allowance.”

“oist! ‘di porke’t palamunin ako ngayon ng parents ko ibig sabihin magiging totally dependent na ko sa kanila, hindi ganun. may pangarap din naman ako. kaw talaga!”

“asus! dami mo pang satsat. syanga pala, bakit ba wala ka pang gf? gwapo ka naman. naks! matalino daw, mabait daw. hehe! ano pa bang hahanapin sa’yo ng isang babae? o baka naman….ay! kirby ha! baka naman…hmmm…iho wag mong sayangin ang lahi mo. wag ganun!” tugon nya na sinabayan ng halakhak.

sa tuwina’y napapangiti ako pag nakikita o naririnig ko syang tumatawa. hindi dahil sa parating nakakatuwa ang kanya sinasabi ngunit nasasaksihan ko ang mga pinagdadaanan nya at alam ko na sa kabila ng lahat ng yun, pinipilit nyang maging masaya at maayos ang lahat.

“pero alam mo berks, seriously, di ko alam gagawin ko kung wala ka. nasanay na ko sa’yo eh. pag may gf ka na, wag mo kong iisnabin ha. susuntukin talaga kita. hmp! hindi mo lang alam kung gaano mo nabago ang buhay ko. akala ko nun, wala na kong pag-asa.”

“ano yan? nagdadrama ka na naman. di pa naman ako mamamatay.”

“oy, wag kang magsabi ng ganyan. grabe naman ‘to. nagpapasalamat lang ako na anjan ka parati. pampalakas ng loob. alam mo, gusto ko talaga maging doktor.”

“o, bakit naman? gaya-gaya!”

“tse! hmm…basta. may gusto kasi akong alagaan. tsaka, pangarap ko talaga yun. kaso nga lang, san naman ako kukuha ng pang-tuition eh wala pa nga akong gaanong naiipon tsaka alam mo naman yung gusto kong mangyari sa amin ng mga kapatid ko. kahit gano kahirap, tutuparin ko yung pangakong poprotektahan sila.”

“Alam ko naman yun. Wag kang tumigil sa pangangarap, malay mo balang araw magkatotoo yan. teka, sino pala yung gusto mong alagaan? ehem! may di ka sinasabi sa ‘kin noh? may pumatol na sa’yo?”

“Hoy, anong akala mo sa mukhang ‘to? walang appeal?! excuse me! hindi lang ikaw ang tumitingin sa mukha ko.”

“sus. hinihintay mo lang na sabihin kong maganda ka eh. sige sasabihin ko nang maganda ka kahit labas sa ilong.”

Hinampas nya ko sa balikat habang tawa ako ng tawa. Matagal ko naman nang sinasabing maganda sya. Minsan naiisip ko din kung may ibig sabihin ba yung nararamdaman ko sa kanya. Siguro masyado lang kaming komportable sa isa’t-isa. Pero sigurado ako, isa sya sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko. Ang kakulitan nya, ang mga tawa nya, ang mga pang-aasar nya, ang pagiging seryoso nya, ang mga paglalambing nya, ang pagiging responsable nya sa buhay, at ang patuloy nyang pakikipaglaban sa mga pasakit at pagsubok na pilit humihila sa kanya pababa. Lahat ng ‘yon nagbibigay ng inspirasyon sa ‘kin para harapin din ang mga sarili kong problema. Minsan gusto ko na ring magsabi sa kanya. Pero hindi ko alam kung pano at kung kelan dapat. Sana magagawa nyang intindihin. at sana matanggap nya.

Malapit na ang graduation. Masaya ako na magtatapos na kami pagkatapos ng ilang taong pakikipagplastikan sa mga titser naming kung di man nakakaantok eh masisindak ka naman sa katapangan. Ilang buwan na lang at sana makapasa na rin kami sa board para maging RN na. ang sarap pakinggan, registered nurse! naks! Pero sa kabila ng mga ‘yon, may bahagi sa akin na nalulungkot din. Nalulungkot ako dahil alam ko pagkatapos nito, magkakaroon na kami ng kanya-kanyang buhay. Alam ko ang balak nyang pag-a-abroad. Alam ko din na gusto nyang lumayo sa lugar na ‘to. Ibig sabihin, madalang na kami magkikita, o baka hindi na. Siguro pagkatapos na lang ng ilang taon ko ulit masisilayan ang mga ngiti nya, ang mga pang-aasar nya….ngayon pa lang parang nasasaktan na ko. hindi ko naman maipaliwanag kung bakit.

“Kirby! San ka pupunta? wala na kong gagawin pagkatapos nito. tambay tayo sa apartment mo ha,” humahangos syang humabol sa kin habang papalabas ako ng gym pagkatapos ng graduation practice namin.

“Oo ba. Punta lang ako sa student affairs office. May kukunin lang ako dun. Daanan na lang kita dito.”

“Sige, kukunin ko lang din yung toga ko. Nakuha mo na ba yung sa’yo?”

“hindi pa. Pakikuha na lang. etong ID ko. salamat. daanan kita.”

Dumiretso na kami sa apartment pagkatapos ko syang daanan sa gym. Nag-rent kami ng mga bagong DVDs para may mapanood.

“Berks, advance happy graduation ha. hindi pa ko nakakabili ng regalo ko sa’yo,” mahina nyang sabi habang nanonood kami ng nirentahan naming DVD.

“salamat. wag ka nang mag-abala. regalo ka na sa ‘kin. i mean, itong pagkakaibigan natin. tsaka akala ko ba hindi ka baduy?”

“oy, hindi naman talaga ako baduy. gusto ko lang talaga magpasalamat sa lahat. sa pagiging kaibigan, sa pagmamalasakit mo sa buhay ko, sa pagpapasaya. hindi ko alam kung pano ako babawi sa’yo sa lahat ng nagawa mo. pero alam mo, kung may isang bagay na gusto kong ibigay sa’yo kung pwede lang tanggalin sa katawan ko, ibibigay ko sa’yo ang puso ko. hmm…basta. wag ka na lang magtatanong. di ko ma-explain eh. basta, kahit anong mangyari hindi ka mawawala sa ‘kin…sa isip ko, sa puso ko, sa pagkatao ko.”

“ang seryoso mo na ngayon ah. yan ba nagagawa ng pagtigil sa pag-inom? bwahaha! kaw talaga! alam mo namang mahal na mahal kita…” huli na nung na-realize kong bigla akong may nasabi.

“anong sabi mo?”

“wala. sabi ko lang ang seryoso mo na. siguro nagugutom ka na. gutom na rin ako. tara, kain tayo sa labas, ako ang taya,” hindi ko na sya hinintay magsalita. tumayo na ko at nagsimulang maglakad palabas.

Naglalakad na kami papunta sa resto pero wala parin gustong umimik. Hindi ko rin talaga alam ang sasabihin ko pagkatapos ng nasabi ko kanina. alam kong narinig nya yun, pero umaasa akong di nya gaanong naintindihan. hindi pa ko handang sabihin sa kanya ang tunay na nararamdaman ko. Gagraduate na kami at tulad ng iniisip ko kanina, magkakaroon na kami ng kanya-kanyang buhay. Hindi ko namalayang hawak-hawak ko na ang kanyang kamay. Hindi naman nya binabawi at hanggang ngayon ay wala parin syang kibo. Pansamantalang lumilipad ang utak ko sa kung saan. Ang dami kong naiisip. Pano kaya ang buhay pagkatapos ng kolehiyo? Papasa kaya kami sa board? Matutuloy kaya syang mag-abroad? Magkakausap parin ba kami? Magkikita?

Hindi ko namalayan ang rumaragasang taxi parating. Bigla-bigla ako sa mga pangyayari. Namalayan ko na lang na kalong ko siya sa loob ng taxi na duguan habang umiiyak kaming dalawa. Pakiramdam ko sasabog ako. Gulong-gulo ang utak ko. Nasasaktan ako. sobra sakit. sobra.

“Gaea, kaya mo yan. aabot tayo sa ospital. please naman o! kayanin mo!” pakiusap ko habang patuloy parin akong umiiyak. Wala na kong pakialam kahit lalake ako. Basta ang alam ko, kelangan nyang mabuhay.

“Kirby, pagod na pagod na ko. Salamat sa lahat. Sa pagiging isang napakabuting kaibigan. Inayos mo ang buhay ko, binigyan mo ko ng pag-asang akala ko nun wala na…”

“Gaea please…”

“Yung sinabi ko kanina, akala mo ba hindi ko alam na may sakit ka sa puso? akala mo ba hindi ko makikita ang mga gamot na tinatago mo? yun ba ung dahilan kung bakit ayaw mong sumunod sa states? dahil ba ayaw mong makitang masaktan at mag-alala ang mga mahal mo sa buhay? KIrby, ikaw ang nagpaintindi sa ‘kin na hindi tayo nag-iisa. Alam kong hindi na ko aabot…magpa-transplant ka…gusto kong ibigay sa’yo ang puso ko. hindi dahil sa gusto ko lang makabawi sa lahat ng kabutihan mo sa akin kundi dahil mahal na mahal kita…matagal na…wala lang ako lakas ng loob magsabi…babae ako eh, alangan naman na ako pa magtapat…hehe…pero totoo yun…mahal kita hindi dahil sa magkaibigan tayo…alam mo na yun…masaya ako may chance pa kong sabihin yun…pinagbibigyan parin ako ni Lord…

“shhhh…Gaea, aabot pa tayo sa ospital. parang awa mo na, wag kang bibitaw. kung sana hindi ako nawawala sa sarili kanina, hindi sana mangyayari ‘to. ako dapat yung mababangga eh. bakit mo ba iniharang ang sarili mo?”

“mahal na mahal kita eh”

“Gaea, alam mong mahal na mahali kita di ba? pilitin mong mabuhay para sa kin. parang awa mo na. hindi ko kakayanin ng mag-isa ‘to. mahal na mahal kita. lumaban ka naman o.”

“nakikita ko na si tatay…nakangiti sya. magkakasama na kami…matatapos na ang impyerno sa buhay ko…mawawala na ang mga takot sa dibdib ko…kirby…hanggang dito na lang…bahala ka na sa mga kapatid ko…salamat”

wala na siya.

wala na si Gaea. ang babaeng mukhang adik, pumapasok sa eskwelahan na lasing, sinukahan ako, umiyak sa kin, ang sa tuwina’y napapangiti sa akin at nagpapasaya ng malungkot kong buhay, ang taong nagpapalkas ng loob ko at nagbibigay sa ‘kin ng inspirasyon para maniwalang may kahulugan ang lahat. ang kaisa-isang babaeng minahal ko ng mahabang panahon.

……

“Kirby, pare congrats! RN ka na pala at nasa med school ka na! Galing ah!”

“Salamat ‘tol. Daan ka mamaya sa bahay ha. Dumating sila ermat at mga kapatid ko.”

“Aba, lakas mo talaga. Biruin mo, napauwi mo silang lahat.”

Ngiti na lang naisagot ko. Tatlong taon na rin ang nakakalipas mula nung mangyari ang aksidente. Sa totoo lang hindi parin talaga ako nakaka-move on sa mga nangyari. Nararamdaman ko parin sya. Sya ang dahilan kung bakit ako nagpatuloy sa medisina. Kahit man lang sa akin eh matupad ang mga pangarap niya. Mahal na mahal ko parin sya. Hindi na siguro mawawala yun…dahil patuloy ang pagtibok ng puso nya sa katawan ko.

Advertisements