Nanaginip ako nung isang gabi, isa daw akong field agent mala-CIA type tapos ang misyon ko daw eh parang reconnaissance sa isang grupo ng mga NPA. Tapos sunod nun nakikipaghabulan ako sa kanila kasi i’ve blown up my cover unintentionally nung pumalag akong sumamang mamundok. Basta magulo. Takbo lang ako ng takbo habang umuulan ng bala tapos 45 cal lang meron ako at isang magazine na nasa bulsa daw ng cargo pants ko. Somehow i was able to find my way out of the area, but fell into a deeper shithole. Nagising akong humihingal at pinagpapawisan dahil pakiramdam ko pagod na pagod ako. Siguro sa iba astig yun o kaya balewala lang kasi panaginip naman. Kaso to be continued pala sya dahil kagabi yung part II nya. Yung deeper shithole na sinasabi ko eh sa battlefield naman. naka-full combat armor daw ako habang naglalakad papunta sa chow hall nung bigla akong may marinig na swooshing sound. Hindi ko na kelangang tumingin kasi alam ko na kung ano yun, RPG –rocket propelled grenade. Pagdapa kong ganyan sa gilid ng kalsada, kitang-kita ko yung pagtama nung RPG sa taas ng building sa harapan ko tapos yung mga tao nagsisitalunan sa mga bintana sa second floor at yung iba lumalabas sa pinto na may mga sugat at sunog ang mga katawan. Kung kilala mo ko sa totoong buhay, alam mo na hindi ako tatakbo palayo sa mga sitwasyong ganun para i-save ang sarili ko. Kaya kahit rin pala sa panaginip, ayun, tumakbo ako palapit sa building at nagsimulang mag-evacuate ng mga tao. Anyway, hindi ko alam kung pano ako nagising. Basta pagbangon ko, umupo ako sa gilid ng kama, nagdasal, tapos sinubukang bumalik ulit sa tulog. Pero syempre wala na. Gising na gising na diwa ko nun.
Lately napapansin kong parang nagiging aloof ako. Di ko masyadong kinanausap ang mga kasama ko sa trabaho, kahit na yung mga taong malalapit sa akin. My job requires me to be away from my family a lot and that’s not by choice. Siguro yun yung isang dahilan kung bakit ko nagagawang i-distansya yung sarili ko sa kahit na sinong malapit sa akin. Hindi na ko nakakaramdam ng pagka-miss. Pag gusto kong wag isipin o iwasan ang isang bagay, i can will myself to do it. Most of the time i have to. Ang dami ko na kasing napagdaanan sa buhay na sabi ng iba, “not for the fainthearted”. I’ve hit rock bottom, seen both sides of the world. Or better, lived them. I had to be tough. In some ways, being strong like that comes handy when you are faced with atrocities. Pero kapag peacetime na, minsan hindi ko na alam kung pano mag-relax. Parang naka-survival mode lagi yung sistema ko. Na kahit simpleng problema at simpleng solusyon lang naman ang katapat, ginagawa kong battlefield. High-strung, gung ho, adrenaline junkie, ano pa ba. Sabi ng mga kaibigan ko parang wala daw akong takot mamatay kasi handa akong sumuong sa gulo at gyera ng walang hesitations. Sa totoo lang, matagal ko ng tanggap na lahat tayo dun din naman ang tungo. Panapanahon lang ika nga.
Siguro yun yung pagkakaiba. When you’ve embraced death or the thought of it, you are more prepared and more willing to execute things that comes with greater risk. Sa warzone applicable yun, pero sa normal na takbo ng buhay panggulo lang sya sa otherwise eh maayos na daloy ng sitwasyon.
Sabi nila our dreams are the product of our subconscious thoughts that usually comes out into play when our brain is doing it’s memory cleansing stage. At nangyayari daw yung pag tayo’y tulog. Hindi ko alam kung sinong scientist ang nagpauso nyan pero nabanggit yan minsan sa isang decompression briefing na dinaluhan ko. At naniniwala ako. Siguro hindi lahat ng panaginip, pero karamihan ganon.
Siguro kelangan ko lang ng bakasyon. hehe.