Archive for May, 2014

Sorry

Posted in Uncategorized on May 19, 2014 by y

“Pagpasensyahan mo na, siguro may klase pa o kaya may ginagawa sa ospital kaya di makareply”

Yan ang laman ng text ni Kuya Red. Kanina ko pa kasi siya kinukulit tungkol sa kapatid nya na hindi marunong magreply. Si kuya Red ang takbuhan ko pag may problema kami ni Seth kasi alam kong makikinig sya.

Si Seth? Sya lang naman ang first bf ko na hindi ko inakalang papatulan ako. Haha! 1st yr high school pa ko nung magka-crush ako sa kanya, pero never pumasok sa utak ko yung posibilidad na mapapansin nya ko. 4th yr na sya nun at iniisip ko na kaya lang naman nya ko napansin eh dahil sa tropa ko yung bunso nilang si Josh. Si Seth saksakan ng talino at kagwapuhan. Siguro nung nagsabog si Lord ng grasya eh isa sya sa mga gising na gising. At syempre pa, lahat ata ng babae sa school nagpapapansin sa kanya. Kaso may syota sya nun, syempre yung equally smart, athletic, at gandang tao ring tulad nya. Long story short, napansin nya ko nung malapit na ko mag-4th yr at nasa USTe na sya nun. Siguro sinakyan lang nya yung trip ko kaya naging kami. hehe! Dinadalaw naman nya ako at hinahatid sa school kapag nakakauwi sya, mabait, malambing, at maunawain. Pero madalas syang busy kasi kakapasok nya ng med school nun. Ako naman ang nahirapang mag-adjust kasi pakiramdam ko dapat parati syang available at dapat sinusuyo ako. Si kuya Red ang kasama nya sa condo nila sa manila kaya sya ang madalas kong pagtanungan at kakwentuhan pag di ko mahagilap si Seth.

Magda-dalawang taon na kami noon nung nagkaroon kami ni Seth ng matinding pagtatalo na umabot sa di namin pag-uusap ng isang linggo. Tapos saka ko nalaman sa iba na nabuntis niya yung ex nya. tang na. Sa iba ko pa malalaman. Wala man lang syang bayag na sabihin sa akin na ganun na pala. Tinawagan ko agad si kuya Red at tinanong kung anong nangyari. Sabi nya hindi rin daw nya alam dahil di naman daw nya nakikitang magkasama yung dalawa. Siguro ilang oras din akong iyak ng iyak sa telepono habang kausap sya kasi wala akong ibang mapagsabihan ng sama ng loob. Ako na lang mag-isa ang namumuhay nun dahil yung pamilya ko nasa ibang bansa at di ako kumportableng ikwento sa mga tropa ko na yung bf ko nakabuntis ng iba.

“Gising na, magtatanghali na. Baka ma-late ka sa school pag di ka pa bumangon,” masuyong sabi ni kuya Red sa telepono. Eto yung isa sa mga araw na hirap akong bumangon. Di na naman kasi ako nakatulog kakaisip kung pano nagawa yun ng bf ko.

“Di ako papasok,” matipid kong sagot.

“Aba’y di pwedeng ganyan mahal ko. Anong gagawin natin pag bumagsak ka? Sayang lang kasi ang tataas pa naman ng mga grades mo. Kaya sige na, bangon na. Kung andyan lang ako kanina pa kita binuhat.”

Hindi doon nagtatapos ang usapan namin na halos araw-araw syang nagtityagang palakasin ang loob ko. Sinisigurado nyang papasok talaga ako, kakain sa tamang oras, at makakauwi ng maayos kinagabihan. Yung mga assignments ko sya na rin ang madalas gumagawa at ini-email na lang nya para maipasa ko. Hindi ko rin alam kung kelan sya nagsimulang tawagin akong mahal, basta ang alam ko sya ang nandun nung mga panahong magulo ang buhay ko.

“Kuya Red, anong gagawin ko pag nagka-gf ka na? o kapag maisipan mong mag-asawa? Sino na ang mag-aalaga sa akin?”

“Wag mong isipin yan. Ang bata ko pa. Strict ang parents ko,” sagot nyang nagpapatawa.

“Di nga, di ko talaga alam ang gagawin ko. Nasanay na kasi ako na nandyan ka parati. Siguro minsan kelangang iwasan din natin ang isa’t-isa para matuto akong tumayo sa sarili ko.”

“Di natin kelangang gawin yun mahal ko. Alam kong kaya mong mag-isa kasi strong ka. Isa pa, masaya ako pag hindi ka nalulungkot. Ayokong bumalik ka sa dati. Kung ano man ang nagawa ng kapatid ko, patawarin mo na sya. May nakalaan na mas mabuti para sa’yo. Wag mong madaliin ang isang bagay na karapat-dapat inaantay.” Madalas rin na sya lang ang pinapakinggan ko at hinihingan ko ng payo.

Makalipas ang mahigit isang taon natuto ulit ako magmahal, siguro in the process parin ako ng pagmo-move on kay Seth pero pakiramdam ko ng panahong iyon ay ok lang na bigyan ko naman ng chance ulit ang sarili ko.

“Kuya kami na ni Kier! Ang saya-saya ko!”

“Ganun ba? Masaya ako pag masaya ka,” matamlay nyang sagot.

“Grabe ka naman, para kang namatayan ah! Akala ko ba masaya ka para sa akin? Kuya ibig sabihin nito nakaka-move on na ko kay Seth. Ayaw mo nun pwede ka nang magka-girlfriend!”

“Hindi yun ang iniisip ko. Nag-aalala lang ako na baka nabibigla ka lang sa desisyon mo. Ayokong may manloko sa’yo, baka makapatay pa ko.”

“Kuya naman! Kilala ko na si Kier mula pagkabata. Tsaka sabi mo nga, pag niloko ako eh lagot sila sa’yo.”

“Basta ha, pag may ginawa sa’yong kalokohan sabihin mo agad sa akin. Masyado kitang mahal para saktan lang ng iba.”

“Ayyy, ang sweet talaga ng kuya ko. Di bale, pag may makilala akong babaeng tingin ko karapat-dapat sa’yo ipapakilala kita.”

“Di na, wala naman akong ibang nakikita.”

Di na ko nagtanong kung ano ang ibig sabihin ng sinabi nya. Basta alam ko na kahit anong mangyari andyan lang si kuya Red.

Pero mali pala ako.

Lumipas ang mga araw at buwan na di ko namamalayang napapadalang na pala ang pag-uusap namin. Yung araw-araw na pag-uusap naging tatlo hanggang isang beses na lang. Akala ko naman normal lang yun kasi busy rin sya sa mga pasyente nya (oo, doctor sya) at syempre busy na rin ako sa school at sa bago kong bf. Isang araw pagkatapos ng klase naisipan ko syang tawagan pero nagtaka na lang ako na biglang cannot be reached yung number nya. Unang beses na ganun. Kahit gaano sya ka-busy sa ospital, hindi nya pinapatay ang cellphone nya kasi sabi nya sa akin na kung sakaling may emergency ako kelangang masagot nya agad. Kaya laking pagtataka ko nung hindi ko sya makontak. Ilang beses kong sinubukang tawagan sya ng araw na yun. Hanggang sa mga sumunod na araw wala parin. Nag-alala na ko ng sobra kaya tinawagan ko yung mga kapatid nya at di ko inaasahan ang sagot nila sa akin.

“Sam, wag mo na syang hanapin. Pasensya na di namin pwedeng sabihin kung nasaan sya. Basta pinapasabi lang nya na mag-iingat ka lagi.”

Namalayan ko na lang ang sarili kong nakasakay sa bus papuntang Manila. Wala na akong pakialam kung ano ang sasabihin nila. Kelangan ko syang hanapin, hindi pwedeng ganito. Hindi pwedeng aalis na lang sya ng hindi nagpapaalam. Wala naman akong alam na nagawa ko para gawin nya ‘to sa ‘kin. Kaya hahanapin ko sya.

Wala akong nadatnan sa condo nila. Sabi ng kapitbahay nila umalis na raw sila at di alam kung saan lumipat. Pumunta ako sa ospital na pinagtatrabahuhan nya pero ang sabi nag-resign na raw sya. Wala akong nagawa kundi umuwi. Noon ko na-realize kung gano kalaking puwang ang iniwan nya sa buhay ko.

Kalaunan naghiwalay kami ni Kier dahil sa napagtanto naming di kami pareho ng priorities sa buhay at magkaiba ang aming mga pananaw sa maraming bagay. Marami syang gustong gawin na di ako kasama sa plano. Siguro mabuti na rin yun dahil ayokong maging pabigat din sa kanya.

Mula nung araw na nawala si kuya Red ang daming nagbago. Tinatawagan ko parin yung number nya kahit paulit-ulit na “cannot be reached” lang ang naririnig ko. Text ako ng text kahit alam kong walang nagrereply. At kapag matutulog na ko sa gabi, kahit ilang beses kong sabihin sa sarili ko na hindi ako iiyak, yung mga luha kusa na lang dumadaloy. Akala ko after 6 months siguro mawawala na yung ganung pakiramdam, hindi rin pala. Minsan nagkayayaang lumabas ang tropa at syempre pa napainom at nasobrahan. Kung dati nagpapaalam akong lumabas sa kanya at sinisigurado nyang nakakauwi ako ng maayos, ngayon wala nang Red na pipigil sa akin. Isang salita lang nya nakikinig agad ako. Lahat ng sinasabi nya pinapaniwalaan ko kasi alam kong gusto lang nya akong mapabuti. Napapatingin na lang ako sa cellphone ko na parang tanga, umaasang makita ko ang pangalan nya sa caller ID. Para na akong sirang plaka. Paulit-ulit na umaasang hindi naman talaga sya umalis. Sabi nya dati di naman namin kelangang mag-iwasan o magkalayo para matuto.

Pero umalis sya, ni hindi man lang nagpaalam. Yun ang pinakamasakit sa lahat kasi ibinabalik ko sa sarili ko ang paninisi kapag naiisip kong siguro ako yung may mali o ako yung dahilan kahit hindi ko naman talaga alam.

1, 2, 3, 4 yrs….

Ang bilis lumipas ng panahon. Nakatapos din ako ng pag-aaral ng walang bagsak at nakapasok sa maayos ng trabaho sa ibang bansa. Maayos naman ang takbo ng buhay ko at hindi ko pa ulit naiisip na buksan ang puso ko.

“Sam, can i ask a favor? Can we switch our leave days? I’m going to attend my friend’s wedding in 5 months and it falls under your leave days,” tanong sa akin ni Clara. Isa sya sa dalawang pinay na kasama ko sa trabaho at tinuturing ko na ring kaibigan.

“Sige walang problema. Swerte naman ng friend mo uuwian mo pa ang kasal nya ha. Sana makahanap ka ng papa doon pag-uwi mo para di ka na masyadong masungit. Haha!” natatawang biro ko.

“Close friend ko yun! Doctor yung mapapangasawa nya. Nireto ng parents kasi magkasama sa politics yung tatay nila. Kilala ko din yung guy kasi taga-doon yung lola ko, pero mga bata pa kami nung last ko syang makita. Ang sabi ni Sheila nandito din daw sa Europe si Red.”

Red? Bigla akong kinabahan. Parang biglang tumigil yung mundo ko pagkarinig ng pangalan nya. Doctor din si Red. Gaano kaya kaliit o kalaki ang posibilidad na iisang tao ang tinutukoy nya sa dating Red sa buhay ko?

“Red ba kamo ang pangalan nya? May kapatid ba syang Seth at Josh?”

“Hala oo! Pano mo alam?”

“Ah, wala naman. Kaklase ko sa high school si Josh. Naalala ko lang may kapatid syang Red din ang pangalan na doctor.”

“I see. O pa’no, ok na yung usapan natin ha? Switch na tayo ng leave. Excited na kong umuwi sa atin! Ang tagal ko rin kayang hindi nauwi. Tatawagan ko si Sheila para i-confirm na uuwi ako….”

Hindi ko na narinig pa ang kasunod ng mga sinabi nya kasi dali-dali akong lumabas ng office. Parang sasabog yung dibdib ko sa magkahalong pagkabigla, kaba, at kung anu-ano pang isipin. Naglakad-lakad ako pero di ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ako makapag-isip ng tuwid. Para kasing naglalaro ang tadhana.

“Hey Sam, I spoke to Red earlier when i called Sheila. Nandun din kasi sya eh. Nandyan lang pala sila sa Norway. Anyway, he asked for your number. Loka, close pala kayo dati di mo sinasabi!”

Tumango lang ako kay Clara. Ayokong mag-open up ng tungkol sa amin ni Red. Apat na taon, apat na taon kong sinubukang kalimutan sya. Apat na taon kong sinubukang ayusin ang buhay ko pagkatapos nyang umalis. Ayoko mang sabihin pero sya ang dahilan kung bakit hindi ko ginugustong buksan ulit ang puso ko kasi natakot akong baka iwan lang din ako kagaya ng ginawa nya. Kung siya na pinakamalapit sa akin at sobrang pinagkatiwalaan ko nagawa akong iwan ng ganun ganun lang, pano pa kaya ang iba. Tapos ngayon malalaman kong ikakasal na pala sya. Ganun lang?! Ang saya naman ng tadhana, parang nagti-trip lang!

Ilang beses sigurong nag-ring yung phone ko bago ko nakuhang sagutin. Wala naman kasi akong inaasahang tatawag sa akin ng lagpas hating-gabi.

“Sam…” sabi ng boses sa kabilang linya. Boses na ni minsan hindi ko nakalimutan. Boses na nakatatak sa pagkatao ko. Boses na ilang taon kong hinahanap-hanap.

“Sam, kamusta ka na?” mahinang sabi ni Red.

“Ba’t tumawag ka?”

“Nami-miss kita”

“Talaga lang ha! Ang galing ‘no? Pagkatapos ng apat na taon naalala mo rin pala ako. May nalalaman ka pang pasabi-sabi na wag na kitang hanapin! You didn’t even have the decency to say goodbye! Tapos tatawag-tawag ka ngayon? Ok lang ako! Ok na ako. Nakaya ko naman ng wala ka eh. Sige na, matutulog na ulit ako. Wag ka ng tatawag.” Sabay bagsak ng telepono.

Sa totoo lang naisip ko yung ganitong pagkakataon eh, na pano pag magkita o magkausap kami ulit? Ano kaya ang sasabihin ko? Ano kaya ang gagawin ko? Iiyak ba ako? Yayakapin ko ba sya? O babalewalain lang na parang walang nangyari? Ang hindi ko ini-expect eh yung ganitong sitwasyon na magkakausap ulit kami pero alam kong walang patutunguhan. Pano mo nga ba kakausapin ulit ang isang taong nakasakit sa’yo ng sobra? Kalokohan kung sasabihin ng mga tao na hindi sila nagtatanim ng sama ng loob. Kasi naniniwala ako na bawat isa sa atin meron at merong nakasakit sa damdamin natin na hirap nating kalimutan.

Kinaumagahan tumawag ulit sya at dahil walang nag-appear na caller ID, hindi ko pwedeng hindi sagutin sa pag-aakalang trabaho yun.

“Sam, I’m sorry. Please wag mong ibaba. Pakinggan mo naman muna ako. Alam kong hindi ako deserving na kausapin mo pa, pero please, we need to talk.”

“Para saan pa? Wala na akong sasabihin.”

“Sam naiintidihan ko ang galit mo. Kung pwede lang akong pumunta dyan ngayon gagawin ko ngayon din. Sam, patawarin mo na ako. Di ko sinasadyang saktan ka. Akala ko makakabuti sa ating dalawa ang pag-alis ko. Nakita ko kung gano ka kasaya kay Kier kaya naisip kong baka makagulo lang ako. Naalala mo yung sinabi ko sa’yo dati na masaya ako kapag masaya ka? Sam, di bale nang masaktan ako basta makita lang kitang masaya.”

“Sa pelikula lang yang mga sinasabi mo. Bakit? Ni minsan ba may narinig ka na sinabi kong nakagulo ka sa amin ni Kier? O siguro nabigatan ka lang sa akin kaya naisip mong leaving is your easy way out! Wala na akong paki Red, tapos na yun. Ikakasal ka na nga eh. Good for you. Congrats nga pala.”

“Mahal na mahal kita…Sam…mahal ko.”

Yung luhang pinipigil ko kanina pa tuluyan ng tumulo, at tumulo ng wagas. Iyak lang ako ng iyak. Bakit naman ganito? Bakit ba nangyayari sa akin ‘to?

“Mahal ko ilang taon akong naghintay sa’yo. Pakiramdam ko kasi ang bata mo pa noon tsaka ayokong isipin mo na sinasamantala ko ang pagiging close natin. Nung isinama ka minsan ni Josh sa bahay napansin na kita. Sabi ko maghihintay lang ako ng tamang panahon pero naunahan ako ni Seth. Nung nagkahiwalay kayo nag-away kaming magkapatid. Hindi ko mapalampas yung ginawa nya sa’yo. Kaya sinubukan kong punan, sinubukan kong ayusin ang sinira nya. Lalong napalapit ang loob ko sa’yo at habang tumatagal lalong lumalalim ang nararamdaman ko. Tapos nung akala ko dumating na yung tamang panahon para sabihin ko sa’yo ang nararamdaman ko, bigla mong sinabing kayo na ni Kier. Ang sakit nun. Habang sinasabi ko sa’yong masaya ako na masaya ka, namamatay yung puso ko. Hindi ka ba nagtaka kung bakit sa loob ng mahabang panahon na magkakilala tayo eh wala akong naging girlfriend? Kasi ikaw lang ang nakikita ko mula pa noon. Ikaw lang Sam. Kaya sabi ko sa sarili ko, mas mabuti na yung itago ko na lang yung nararamdaman ko at patuloy tayong maging magkaibigan kesa tuluyan kang mawala sa akin.”

“Pero umalis ka parin Red. Pano mo i-explain yun? Ikaw ang nagsabi sa akin noon na hindi natin kelangang magkahiwalay. Pero iniwan mo ko.”

“Wala akong maidadahilan at hindi ako gagawa ng excuse mahal ko. Ngayon ko mas napatunayan na mali yung naging desisyon ko. Mahal na mahal kita. Sana hindi ko ginawa yun, sana hindi tayo ganito ngayon.”

“Ikakasal ka na. Wag mo na akong isipin. Ok na ako Red. Nung umalis ka napatunayan ko rin na hindi ko kelangan ng mag-aalaga sa akin. Na kaya kong mamuhay mag-isa at hindi ko kelangan sumandal sa iba. You see, nakapagtapos naman ako at nakahanap ng maayos na trabaho. I turned out fine Red, and i did that own my own.”

“Sam, mahal mo rin ba ako?”

“Patawa ka. Para san pa yan? Lakas mo namang mag-trip. Ikakasal ka na tapos magtatanong-tanong ka ng ganyan?”

“Hindi ako ang nag-initiate ng kasal. Nadadala lang kami ni Sheila sa mga nangyayari dahil sa parents namin.”

“Baka ikaw nadadala, pero ang babae hindi naman yan basta papayag magpakasal dahil nadadala lang. Tsaka ang tanda mo na para umasa sa desisyon ng iba Red. Bakit di mo ba kayang magdesisyon para sa sarili mo?”

“Kaya ko. Sam, mahal mo rin ba ako?” ulit nyang tanong.

“Dati.” Matipid kong sagot. Pero alam kong nagsisinungaling ako sa sarili ko dahil ngayon ko rin na-realize na mahal ko sya mula pa noon. Hindi bilang kuya o kaibigan, pero mahal ko si Red bilang si Red at natakot ako na mabago nun ang kung ano mang meron kami.

“Tatanggapin ko yan. Gagawan ko ‘to ng paraan. Aatras ako sa kasal Sam, sasabihin ko kay Sheila ang totoo.”

“Huwag, wag mong gawin yan. Maayos na ang takbo ng sitwasyon. Makakalimutan mo rin ako. Magiging masaya kayo ni Sheila. Wag mo kong alalahanin. Nakaya ko dati nung nawala ka, makakaya ko rin ulit ngayon.”

Matagal kaming nag-usap, inilabas ko lahat ng sama ng loob ko, lahat ng nararamdaman ko, lahat ng iniisip ko na syang magiging tama para sa aming dalawa. Isang linggo ang lumipas na hindi ko sinasagot ang mga tawag at text nya. Nagtetext sya sa akin na parang dati. Tinatanong kung kumain na ako, kung nakakatulog ba ako ng maayos, di ba ko nahihirapan sa trabaho, kung may masakit ba sa akin. Nag-iiwan sya ng messages sa voicemail ko, paulit-ulit nyang sinasabing mahal na mahal nya ako at di na nya ko pakakawalan, na ipapaglaban nya kami. Pero hindi ko pinapansin dahil ayokong makagulo ng buhay ng may buhay. Ayokong makaapak ng ibang tao. Lalong ayokong makasakit ng kapwa ko babae.

“Sam, please pick up. We really need to talk. Urgent!” Laman ng text nya nung araw na yun.

“Ano ba Red? Ano bang mahirap intindihin sa sinabi ko?”

“I got you a ticket. Uuwi ako ng pinas next month. Katulad ng pangako ko sa’yo aayusin ko ‘to. Meet me at the airport. Magpapakalayo tayo.”

“Naka-drugs ka? Ba’t ganyan ang sinasabi mo? Ayoko! Bahala ka sa buhay mo.”

“Mahal ko eto na yung pagkakataon natin. Aayusin ko lang ‘to sa pamilya ko at ni Sheila. Lalayo tayo, we’ll build our own family. Kagaya ng dati Sam, ikaw at ako na masaya.”

“Hindi ako magiging masaya pag alam kong meron akong naapakan.”

“Pero wala, wala kang maaapakan kasi desisyon ko naman ‘to.”

Mahirap nga palang makipag-usap sa taong sarado ang isip. Hindi maintindihan ni Red ang punto ko, pero hindi ko sya masisi. Mahal ko rin sya pero natatakot akong makasakit ng iba. Kaya gusto kong tapusin na lahat sa amin bago pa lumala ito.

“Sam, i’m not going home anymore so you can take your leave as you please. Di na daw matutuloy yung kasal ni Sheila. Akalain mo ba naman, ito palang si Red eh in love pala sa iba! Hay, mabuti na rin at nagkaalaman habang maaga at di pa sila nakakasal. Kaso ang dami na nilang nagastos sa mga preparations. Sayang naman, pero mas sayang kung saka sila magkakaganito after the wedding, di ba? Sino kaya yung girl? Hay naku, sana maayos na nila,” humahangos na bungad sa akin ni Clara nung araw na iyon.

Patay. Malay ko bang tototohanin ni Red yung sinabi nya. Lalong lumalaki yung problema ko.

“Kakarating ko lang dito sa airport mahal ko. Uuwi ako sa amin ng limang araw then i’ll meet you here.”

3 days later….Hawak-hawak ko yung printed confirmation ng ticket. Palakad-lakad ako sa loob ng kwarto ko. Hindi ko magawang simulang mag-empake. Hindi dapat ganito, hindi ito tama.

Earlier that day, ikinuwento sa akin ni Clara na nag-overdose daw si Sheila kasi di nya matanggap yung kahihiyan na umatras si Red sa kasal. Umuwi daw si Red sa pinas para ipaalam ng pormal sa kani-kanilang pamilya na hindi na matutuloy ang kasal. Pero hindi raw matanggap ni Sheila na ganun lang ang nangyayari kaya nagawa nyang mag-attempt magpakamatay.

6 hours later nandito ako sa kwarto ko at di mapakali. Eto yung sinasabi kong hindi kakayanin ng konsensya kong makaapak ng ibang tao. Nobody deserves this, hindi si Sheila, hindi ako. Kaya nagdesisyon akong wag tumuloy. Nag-resign ako sa trabaho pagkatapos ng ilang araw at lumipat ng tirahan. May konti naman akong naipon kaya alam kong makaka-survive ako habang naghahanap ng panibagong trabaho. Kung noon si Red ang umalis dahil akala nya yun ang makakabuti sa amin, ngayon ako naman ang magpaparaya para sa ikakaayos ng buhay nya. Sa ilang buwang lumipas sinubukan kong tiisin na wag kontakin si Red. Mas mabuti na yung ganito para hindi lalong magkagulo dahil alam kong maiipit lang sya at masaksaktan.

Malapit ng magpasko noon at nalaman kong ikakasal yung pinsan ko sa pinas. Pinapauwi kaming lahat na magpipinsan para makadalo sa kasal at ako ang maid of honor. Dumating ako dalawang linggo bago ang kasal ni Ate Mia. Syempre pa andun yung mga kamag-anak at mga malalapit na kaibigan.

Nilapitan ako ng isa kong tiyahin, si tita Len, habang nagsusukat kami ng gown sa bridal shop at nagsimulang magkwento.

“Buti na lang di ako masyadong tumaba since April. Hindi kasi natuloy yung kasal na dapat dadaluhan ko noon kaya talagang sinubukan kong wag mag-gain ng timbang.”

“Si tita talaga! Maganda naman po kayo kahit mataba o payat o kahit anong suot nyo.”

“Hay naku, stressful yung kasal na yun. Nag-imbita na sila at lahat, hayun, naisipan nitong si Red na umatras. Kesyo may mahal daw na iba. Di ba kaklase mo dati sa high school yung bunso nila? Si Josh ba yun?”

“Opo tita. So hindi po pala talaga natuloy yung kasal ni Red?” Grabe, hanggang dito ba naman may mga taong nag-uugnay sa amin ni Red. Talagang hindi matapos-tapos ang kwento naming dalawa.

“Hindi nga. Kawawa nga yung batang yun kasi galit na galit yung mga magulang nila. Syempre pa napahiya sila sa lahat ng naimbitahan. Pero naayos din nila. Eto kasing si Sheila eh nag-attempt mag-suicide, nag-overdose daw. Ayun, napilit din nila itong si Red na ituloy ang kasal. Isa parin ako sa mga kinuhang ninang. Kaya kelangang maayos ang itsura ng tita mo, sakto pa naman na sa parehong date ang kasal nila Red at ng Ate Mia mo. Dun sa simbahan sa kabilang bayan. Buti nga ipinalipat yung oras na kasal kasi dapat sa umaga sana pero hapon na.”

“Ganun po ba? Mabuti para makadalo kayo,” matipid kong sagot at dali-dali akong umalis ng shop. Hindi ko na talaga maintindihan kung bakit nangyayari lahat ‘to. Umalis na ako noon, umiwas, pero parang patuloy akong hinahabol ng sitwasyon.

Tatlong araw bago ang kasal….

“Wag mo nang alamin kung pano ko nakuha ang number mo. Importanteng magkausap tayo ngayon din. Magkita ta’yo Sam,” bungad ni Red sa kabilang linya.

“Ayoko. Ayokong magkita pa tayo. Hindi na dapat.”

“Sam ipinaglalaban kita…”hagulgol na yung sunod kong narinig. Hindi ko alam kung gaano katagal kaming umiyak ni Red. Iyak lang, walang nagsasalita. Masyado ng masakit ang mga nangyayari.

“Ikaw parin mahal ko. Ayokong magpakasal. Parang awa mo na magpakita ka sa akin. Parang mababaliw na ako. Bibili ako ng ticket ngayon para sa ating dalawa, magkita tayo sa airport bukas. Wala na akong pakialam sa iba Sam. Ikaw lang ang importante sa akin.”

“Hindi ko alam Red, hindi ito tama.”

“Ano ba ang tama para sa’yo? Tama ba na nasasaktan tayo? Kasi hindi tayo dapat nasasaktan at nagkakasakitan Sam. Hindi tayo dapat nagtitiis ng ganito. At lalong mas hindi tama na matali tayo sa isang sitwasyon dahil lang sa iyon ang idinidikta ng iba. Pagod na kong paulit-ulit na ganito, na nawawala ka sa akin at kelangan kitang paulit-ulit na hanapin. Bakit hindi pwedeng tayo naman? Bakit hindi pwedeng eto yung maging karapat-dapat? Kaya gagawin ko ‘to Sam, eto na lang ang alam kong paraan para hindi ka na ulit mawala.”

Kinagabihan nagkayayaan naming magpipinsan na i-celebrate ang nalalapit na kasal ni Ate Mia. Siguro dala na rin ng sama ng loob ko sa mga nangyayari sa sarili kong buhay, naparami ako ng inom at mag-uumaga na kami natapos noon. Nagising ako sa magkakasunod na katok sa kwarto. Si tita Len pala.

“Iha, mag-usap tayo. Hindi ko sinasadyang pakialaman ang cellphone mo pero walang patid sa pagri-ring kaya sinagot ko na. Si Red pala ang tumatawag. Hindi mo kailangang magpaliwanag dahil sinabi nya sa akin ang sitwasyon. Sam, alam kong naguguluhan ka sa mga nangyayari pero eto lang ang masasabi ko, hindi mo kailangan ng ganitong eskandalo. Bata ka pa at alam kong mayroong nakalaan na mas mabuti para sa’yo. Kung itutuloy nyo ni Red ang usapan nyo, magiging masama ang tingin sa’yo ng pamilya nya. Hindi ka nila tatanggapin at malamang itatakwil nila si Red. Yun ba ang gusto nyo? Mag-isip ka anak. Hindi ito ang nararapat na tadhana para sa’yo.”

“Sam! Saaaaaammmmm!!! Lumabas ka! Mag-usap tayo!” naririnig ko yung mga sigaw nya sa labas ng bahay. Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko.

Nang makita ko sya bumalik lahat sa akin ang mga nangyari ilang taon na ang nakakaraan. Nung una ko syang makausap, yung mga times na sa kanya ako nagsasabi ng mga sama ng loob, nung bigong-bigo ako. Mga times na pinapatawa nya ko, pag pinapaalalahanan nya akong kumain, pag di sya mapakali hangga’t di ako nakakauwi ng safe, pag ginagawan nya ko ng mga homework, pag kinukwentuhan nya ko ng kung anu-ano para makatulog, pag masuyo nya kong ginigising sa umaga. Sya ang naging pamilya ko nung mga panahong mag-isa ko lang halos namumuhay. Ang dami-dami naming pinagdaanan. Ang dami-dami naming memories. Our lives had been so intertwined that we could not untangle. Masyadong nagkabuhol-buhol ang aming tadhana at sa ganito kami umabot.

“Mahal na mahal kita Sam, sobra. Magsalita ka naman. Wag naman ganito”

Pero walang lumalabas sa bibig ko, sinasabayan ko lang sya sa pag-iyak. Ang sakit sakit na.

“Bakit hindi ┬áka sumipot? Naghintay ako Sam, ilang taon. Hanggang ngayon naghihintay parin ako. Ba’t ganito lang sa’yo ‘to? Lumaban ka naman! Sam, tinalikuran ko ang pamilya ko. Lahat sila tinalikuran ko. Tapos tatalikuran mo rin pala ako…”

Hinila sya ng mga pinsan ko palayo habang niyakap naman ako ng tita ko at dinala sa kwarto. Umalis ako ng raw ding iyon. Naintindihan naman ng mga pinsan ko yung sitwasyon kaya hinayaan nila akong lumayo. Hindi ko man lang nagawang humingi ng tawad.

Hindi ko na sya nakita mula noon. Ilang beses kong ginustong subukan na hanapin sya pero naduwag ako. Natakot ako na maramdaman ang galit nya. Gusto kong humingi ng tawad sa sakit na naidulot ko. Gusto kong humingi ng tawad na hindi ko nagawang lumaban. Ang dami kong gustong sabihin at ihingi ng tawad pero hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Sabi ni tita Len natuloy daw yung kasal pero naghiwalay din sila ni Sheila pagkatapos ng dalawang taon. Ang huling balita ko nag-volunteer sya sa isang international non-profit medical outreach program at walang nakakaalam kung saan sya kasalukuyang naka-assign.

May mga gabing naiisip ko parin kung pano kaya kung naiba ang aming sitwasyon? Pano kaya kung hindi sya umalis noong una pa lang at sinabi nya sa akin ang tunay nyang nararamdaman? Kami kaya ngayon? Pano kung nagpursige ako nun sa paghahanap kahit na sinasabihan akong wag na syang hanapin? Pano kung sumipot ako sa airport? Pano kung hindi naging sila ni Sheila? Paano kung walang mga magulang na nakialam at walang mga taong nagdikta o nakisawsaw? Paano kung di kami nakinig sa iba? Paano? Ang daming paano at siguro. Hanggang ngayon naglalaro parin ang mga katanungang ito sa isip ko.

Siguro sa ibang mundo kami yung magkasama, masaya at walang naaapakang tao. Sa mundo na iyon kami ang nagkatuluyan. Siguro tuloy parin sya sa pagdodoktor habang ako kuntento na sa pagiging asawa nya at ina ng mga anak namin. Siguro yun ang mundong dapat nakalaan sa amin pero  hindi iyon ang resulta ng aming mga naging desisyon. Pero sana kung sakaling mag-krus ang mundo kinagagalawan namin ngayon at sa mundong pareho naming pinangarap, sana napatawad na nya ako.

 

words i live by

Posted in Uncategorized on May 17, 2014 by y

words i live by

enduring freedom

Posted in Uncategorized on May 17, 2014 by y

hindu kushenduring freedom

crazy as it may seem, i miss you

looking at your unspoiled beauty

cold, desolate, natural….