Archive for June, 2014

one way street

Posted in Uncategorized on June 28, 2014 by y

Alam mo bang gustung-gusto kitang kausapin? Alam ko naman kung pano kita hahanapin eh. Kaso ayokong magulo ulit ang mundo nating dalawa. Hinding-hindi mo siguro kelanman maiintindihan kung bakit ginawa ko ang mga bagay na tingin mo eh nakasira sa ating dalawa. Pero mahal ko, ginawa ko lahat yun kasi ayokong walang matira sa atin. Hindi ko rin talaga alam kung pano ipapaliwanag sa’yo kahit alam kong makikinig ka sa mga sasabihin ko. Minsan natatakot akong bumalik kasi baka hindi na kelanman tayo magiging tulad ng dati. Natatakot ako na baka sa sobrang galit mo mas gugustuhin mong tuluyan na akong mabura sa mundo. Natatakot akong meron ng iba. Pero ang lakas parin ng pakiramdam ko na ako parin. Ako parin ang nasa puso mo, ako parin ang naiisip mo. O siguro umaasa na lang ako na ako parin. Na kapag bumalik ako sa’yo eh tatanggapin mo parin ako. Kaso baka hindi na.

Kapag natutulog ka ba napapanaginipan mo parin ako? Naalala mo dati, parang nagkakausap parin tayo kahit tulog? Kahit nasa magkaibang lugar at panahon? Naiisip mo parin ba kung kumakain ako ng wasto at tama sa oras? Kung nakakatulog ako ng mahimbing? Kasi alam naman nating dalawa na nangyayari lang yun kapag kasama o kausap kita. Pag pumapasok ka at umuuwi galing trabaho hinahanap-hanap mo parin ba ang pagpapaalala ko sa’yo na mag-iingat ka lagi? Sumasagi ba paminsan sa isip mo na bilhan ako ng pasalubong sa tuwing may lakad ka? Kasi ikaw sa lahat ang nakakaalam ng mga paborito ko. Ikaw sa lahat ang nakakita ng bahagi ko na ni minsan hindi ko nai-share sa iba.

Ako, naiisip parin kita. Parati. Kapag masama ang pakiramdam ko, pag hindi ako makatulog, kapag may masakit sa akin, pag masaya, malungkot, lahat. Kasi ikaw ang nagpadama sa akin na ako ang mundo mo. Ikaw lang. Ikaw ang bumuhat sa akin nung mga panahong madilim na madilim ang mundo ko. Binitawan mo ang sarili mo para saluhin ako. Ikaw lang ang gumawa ng ganun para sa akin. Miss na miss na kita. Sobra.

Advertisements

nostalgia

Posted in Uncategorized on June 27, 2014 by y

Mahal na mahal parin kita. Sana naghihintay ka parin hanggang sa mahanap ko ang tamang daan pabalik sa’yo. Hindi ko alam kung gaano katagal, ang alam ko lang mahirap. May bahagi ng sarili ko na umaasang nandyan ka parin katulad ng ipinangako mo sa akin, na hanggang sa kabilang buhay ako parin ang hahanapin mo. Na kung sakaling mabuhay man ulit tayo, ako parin ang mamahalin mo ng buong-buo.

some other beginning’s end

Posted in Uncategorized on June 10, 2014 by y

i saw you today, but i couldn’t bring myself to talk. i just stared and stared until my eyes can’t hold no more. you were smiling, but i couldn’t smile back. i was tying to hold back the tears that were threatening to fall. all i could feel was pain, raw and blinding. pain that i’ve been keeping to myself for a while. i know i didn’t have to bear it alone, you’d rather take it from me or suffer together. but i chose to shoulder it myself so i could spare you from the harshness of it all. i said sorry so many times, you probably thought they were for something else. but no, i had been saying sorry for all the pain i’ve caused you. i still go to bed at night trying to imagine how you used to put me to sleep, then wake up in the morning with your kind, compassionate words and warmest smile.i was my best with you, but i couldn’t find my way back.

maybe i should’ve just closed my eyes and walked away to make it seem like i didn’t see you at all. maybe it had been easier that way.