Archive for July, 2014

impulse

Posted in Uncategorized on July 17, 2014 by y

On the rare occasions that i feel this good about you and me, makes my heart a little bit at peace. Not that you and i had it bad, on the contrary, we had it all good until i walked away. Lately, on days like this i let myself bask in immense pleasure of a peace of mind. I get to sport a real smile and laugh at anything funny like how i was with you. So i keep telling myself that maybe, maybe this is how is going to be for me for a little while. I don’t care if it’s going to be a cycle as how i see it for now, but i’ll make it work somehow. Because you know why? It doesn’t hurt as much anymore to remember you. It’s not that i’m hurting because of you, but it hurts because of what happened to us. I could look at you now and think about good things that life could offer you. Whereas, that couldn’t have been possible when you were still with me. So you see, maybe this could be healthy for us both. And like i always say, maybe someday i will find my way back to you. One day i’ll stand in front of you and ask again if i’m still your one and only.

i love you always….

Advertisements

kanina’y nariyan lang o ba’t bigla na lang nawala

Posted in Uncategorized on July 8, 2014 by y

Bigla na lang akong napapatunganga sa tuwing naalala kita. Yung utak ko paulit-ulit lumilipad sa nakaraan na parang sirang plaka. Ang hirap ng ganito, kahit anong gawin ko hindi ka parin maalis sa isip ko. Minsan sobrang nami-miss kita at naaalala ko yung mga magaganda sa atin. Minsan naman sumasagi yung mga masasakit na nangyari sa ating dalawa at doon nakakahugot ako ng dahilan para magalit, para kahit paano maibsan yung sakit. Wala akong kwenta. Kung gaano kabilis nahulog ang loob ko sa’yo, ganun ako kabilis naglaho. Ang sakit nun sa’yo kasi pinaasa kita. ┬áMinsan iniisip ko na hindi ko pwedeng buhatin lahat ng sisi sa mga nangyari kasi dalawa naman tayong nasa sitwasyon. Pero siguro mas sinisisi ko ang sarili ko kasi ako may pinagdaanan na at alam ko na dapat kung ano ang tamang gawin, samantalang ikaw baguhan pa lang..

Pero kung iniisip mo na ikaw lang ang nasasaktan, mas masakit sa akin ng sampung beses kasi nasasaktan kita.

Wala akong mapagsabihan, wala akong mapagbalingan. Sa ibang problema hindi naman ako ganito. Pero yung sa atin, yung sa atin hindi basta pwedeng pag-usapan lang. Araw-araw namamatay ang puso ko kapag naaalala ko kung paano tayo umabot sa ganito. Kaya sa tuwing sinusumpong ako ng sobrang lungkot, dito na lang sa pagsusulat ko binubuhos. Hindi man lang kita naipaglaban katulad ng pinangako ko. Siguro sana masaya tayo. Pero pinili kong lumayo, pinili kong mawala sa buhay mo. Pakiramdam ko kasi eto lang ang paraan para maging maayos ang lahat. Na hindi ako deserving sa’yo kaya mas mabuting mawala ako para may chance yung nararapat umangkin ng puso mo.

Ikaw yung nagmahal sa akin ng buong-buo. Ang dami mong binitawan para lang maging masaya ako. Naalala mo yung pinakahuling pag-uusap natin? Gabi nun tapos umiiyak tayong dalawa. Tinitibayan ko naman yung loob ko pero nung umiyak ka na hindi ko na rin mapigilan. Kasi ang sakit sakit sa akin na naririnig at nararamdaman na nasasaktan kita ng paulit-ulit. Na kahit ilang beses akong mag-sorry hindi mapupunas nun yung sakit na naidulot ko. Hindi mapupunan ng salitang sorry yung sama ng loob na binigay ko. Tapos sabi mo, “gusto kong bumalik ka, parang awa mo bumalik ka na. ilang buwan ba? ilang taon? mahal na mahal parin kita.” Sorry lang ako ng sorry kasi alam kong baka yun na yung huling pag-uusap natin kahit na sabi ko dati hindi ako mawawala sa’yo. Kasi hindi ko kayang magpaalam. Kasi yung pagsasabi ng sorry ang alam kong paraan ng pagpapaalam sa’yo.

Pero kahit simbilis ng kidlat ang pagkawala ko sa’yo, wala namang hanggan ang pagmamahal ko. Kasi kahit magkahiwalay na tayo ng landas, yung puso ko nananatili sa’yo. Pwede palang mangyari yung ganito. Hindi lahat ng pag-ibig nauuwi sa maganda…at hindi ibig sabihin na kapag tinalikuran mo ang taong mahalaga sa’yo eh hindi mo na sya mahal. Minsan tumatalikod tayo para itama yung mga mali. Kasi kung hindi ko ginawa ito walang matitira sa ating dalawa. Kaya kahit sobrang sakit na, kahit mabigat na mabigat na, dinadala ko parin. Baka sakaling pag nagkita tayo ulit balang araw, makakaharap na ako ng tuwid sa’yo.

At sana pag nangyari iyon…ako parin ang hihintay at isinisigaw ng puso mo.

Mahal na mahal kita.